Crackdown sa mga colorum na bus, ipinag-utos ni Pangulong Duterte
Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang crakdown sa mga colorum na bus na ilegal na nag-ooperate sa sa bansa.
Ito ay matapos ang malagim na aksidente sa Occidental Mindoro na ikinasawi ng 19 na katao.
Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Go pinahuhuli na ng pangulo ang lahat ng operator at driver ng mga colorum na bus.
Sa utos ng pangulo, sinabi din nito na kung papalag o manlalaban at malalagay sa peligro ang buhay ng mga pulis ay barilin nila ang mga ito.
Kinumpirma naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra na nationwide ang kautusan ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.