6 na drug suspects arestado sa Pasig City

EPD PHOTO

Arestado ng mga tauhan ng Eastern Police District (EPD) Drug Enforcement Unit ang anim na drug suspects sa isinagawang anti-narcotics operation sa residential area sa Barangay Bagong Ilog, Pasig City.

Kinilala ng mga otoridad ang mga suspek na sina Rollie Intalan, Ricsal Redelosa, Jay Eaton, Senin Hernandez, Michael Reserva at Jayson Lizardo.

Ang anim ay nadakip nang salakayin ng mga tauhan ng EPD-DEU ang bahay sa number 30 Tatco Street sa Barangay Bagong Ilog.

Nakuha mula sa mga suspek ang 16 na piraso ng plastic sachets ng hinhinalang shabu.

Nakuhanan din sila ng improvised water pipe na mayroong trace o residue ng shabu at mga drug paraphernalia.

Nakatakdang sampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act 9165 ng he Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang anim na suspek.

 

 

 

 

 

Read more...