Davao Occidental, niyanig ng dalawang magkasunod na na lindol

Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.

Naitala ng PHIVOLCS ang pagyanig sa 171 kilometers South ng Sarangani alas 6:19 ng gabi ng Biyernes, March 23.

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 1 kilometer.

Samantala, makalipas lamang ang ilang minuto muling nakapagtala ng lindol ang PHIVOLCS sa Sarangani.

Magnitude 4.1 ang ikalawang lindol na naganap alas 6:41 ng gabi sa 130 kilometers South ng Sarangani.

Kapwa naman hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang magkasunod na pagyanig.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...