PAL posibleng magpatupad ng adjustment sa operasyon kapag nagsimula na ang closure sa Boracay

Posibleng magpatupad ng adjustment sa kanilang operasyon sa Caticlan Airport at Kalibo International Airport ang Philippine Airlines (PAL).

Ayon kay PAL spokesperson Ciel Villaluna, sa sandaling matuloy na ang shutdown sa Boracay, magpapatupad ang PAL ng adjustment sa kanilang operasyon at dedepende ito sa itatagal ng closure ng isla.

Tiniyak naman ni Villaluna na aasistihan nila ang mga pasaherong maaapektuhan ng closure para sa rebooking ng kanilang flights o refund ng kanilang pamasahe.

Ani Villaluna, hindi naman sila tuluyang mag-aalis ng biyahe sa dalawang paliparan dahil mayroon pa namang mga residente at negosyante na bibiyahe sa Kalibo at sa iba pang bahagi ng Aklan.

Tiniyak naman ni Villaluna na maglalabas sila ng abiso sa mga biyahero sa sandaling magkaroon ng pagbabago sa kanilang operasyon bunsod ng closure ng Boracay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...