P2P buses walang biyahe sa Semana Santa
Naglabas ng abiso sa publiko ang mga bumibiyaheng P2P o point to point buses para sa Holy Week.
Sa inilabas na service advisory ng Department of Transportation (DOTr) may kani-kaniyang suspensyon ng operasyon ang mga P2P bus depende sa kumpanyang nagmamay-ari dito.
Ang P2P buses ng HM transport Inc. ay walang biyahe mula March 29 (Huwebes Santo) hanggang sa March 30 (Biyernes Santo).
Ang P2P buses naman ng RRCG ay walang biyahe muila March 30 hanggang March 31 (Sabado de Gloria).
Ayon naman sa Froelich Tours Inc. walang biyahe ang kanilang P2P buses mula March 29 hanggang March 31.
Habang ang DNS P2P bus ay walang biyahe Mula March 29 hanggang sa April 1 (Easter Sunday).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.