Apat na dayuhan ang magkakahiwalay na naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Tagum City, Cavite at Marilao Bulacan dahil sa pagiging overstaying at paglabag sa Section 37 ng Philippine Immigration Act.
Kinilala ang mga overstaying foreigners na sina Gregory Cue King, Raynaldo Roman, Peter Smith Bjarnason na pawang mga Amerikano at Ghanian na si Isaac Agyei.
Ang pagkaka-aresto sa apat na dayuhan ay dahil sa tip ng impormate dahil sa pinalakas na programang “Sa Immigration Magsumbong”.
Nagpasalamat naman ang BI sa mga nagbibigay ng impormasyon dahil mula ng inilunsad ang programang “Magsumbong sa Immigration ay umabot na sa walumpu’t dalawang may mga kaso at mga overstaying na mga dayuhan ang kanilang naaresto.
Ipinaliwanag ni Immigration Commisioner Seigfred Mison na tatanggap ng pabuya ang sinumang makapagtu-turo ng mga foreigner na overstaying o kaya’y may mga kaso na nagtatago sa bansa.
Nangako rin ang nasabing opisyal na mananating confidential ang mga impormasyon na ipagkakatiwala sa kanila para na rin sa kapakanan ng mga informers.
Base sa data na hawak ng B.I hindi bababa sa tatlumpung libong mga dayuhan ang pawang mga overstaying o pinaniniwalaang nagtatago sa bansa dahil sa ibat-ibang mga kaso na kanilang kinasasangkutan.