135 na balyena nasawi matapos mapadpad sa baybayin sa Western Australia

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 03:42 PM

Photo courtesy: Leaarne Hollowood

Nasawi ang aabot sa 135 na mga short-finned pilot whales makaraang mapadpad sa baybayin ng Hamelin Bay sa Western Australia.

Ayon sa Parks and Wildlife Service, nasa 150 na mga balyena ang na-stranded sa Pampang at bagaman nagtulung-tulong ang marami upang maibalik sila ng buhay sa tubig ay marami pa rin ang nasawi.

Ang malakas na hangin at alon ang naging dahilan kaya nahirapan ang mga rescuer na agad silang maibalik sa dagat.

Hindi pa alam ng mga otoridad kung ano ang dahilan ng pagkaka-stranded ng mga balyena sa pampang.

Noong 1996 naitala ang pinakamaraming bilang ng mga na-stranded na balyena sa baybayin ng Western Australia, kung saan umabot sa 320 long-finned pilot ang napadpad sa pampang.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: short-finned pilot whales, western australia, whales, short-finned pilot whales, western australia, whales

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.