Roque kay Hayley Atwell: Who is she?

“Who is she?”

Ito ang reaksyon ni Presidential Spokesperson Harry Roque nang hingan ng reaksyon ng media hinggil sa pagkansela ng pagbisita sa bansa ng Holywood actress na si Hayley Atwell.

Ayon kay Roque, kawalan ni Hayley ang hindi niya pagtuloy sa pagtungo sa Pilipinas.

Dadalo sana si Hayley sa 2018 ComicCon Asia sa Pasay City ngayong weekend.

Pero inihayag ng ComicCon Asia na hindi na tutuloy si Hayley dahil sa political unrest sa bansa.

Ani Roque, walang political unrest sa Pilipinas at mayroong maling perception ang mga nagsasabi nito.

Naglinaw naman si Hayley at sinabing conflict of interest ang totoong dahilan ng hindi natuloy na biyahe niya sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...