Paglipad ng hot-air balloons sa unang araw ng Balloon and Music Festival sa Pampanga kinansela dahil sa malakas na hangin
Bigo ang mga dumayo sa Pampanga na masaksihan ang paglipad ng makukulay na hot-air balloons sa unang araw ng Lubao International Balloon and Music Festival.
Kinansela kasi ng organizers ang paglipad ng 30 hot-air balloons dahil sa malakas na ihip ng hangin.
Papalipad na sana ang mga ito sa Pradera Verde, ngunit lumakas ang hangin mula sa hilagang kanluran.
Ayon kay Eugene Lee, assistant events director, inaasahan nilang mas kalmado ang hangin bulkas.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na kinansela ang balloon event sa loob ng limang taong isinasagawa ito.
Kabilang sa mga dumalo sa pagbubukas ng Lubao International and Music Festival sina dating pangulo’t ngayo’y Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo, Makati Rep. Monsour del Rosario at Tourism Undersecretary Kath de Castro.
Ayon kay Mayor Mylyn Santiago, tinatayang nasa 100,000 ang inaasahang sasaksihan ang makulay na balloon festival.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.