Muling nakapagtala ng panibagong aktibidad sa Bulkang Mayon.
Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) Director Renato Solidum, nagkaroon ng lava collapse dahilan para bumuga ng abo, bato at gas ang bulkan.
Wala namang naganap na pagsabog sa Mayon.
Matatandaang noong nakalipas na tatlong linggo, ibinaba sa Alert Level 3 ang Bulkang Mayon, mula sa Alert Level 4 na itinaas noong Enero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.