Ayon kay Tugade, wala namang masama sa paghahanap-buhay pero kung patuloy na nailalagay sa kapahamakan ang taumbayan ay nararapat lamang na umaksyon na ang pamahalaan.
Kaya naman napapanahon daw na ipatupad na ang PUV Modernization Program.
Sa ilalim daw kasi nito ay mas mapapaigting ang kaligtasan ng mga sasakyan gayundin ang kakahayan at kaalaman ng mga drayber sa pagmamaneho upang mapanatiling ligtas ang mga pasahero.
Sa pinakahuling balita, pinatawan na ng LTFRB ng tatlumpung araw na suspension ang 118 units ng Dimple Star Bus Corporation na nahulog sa bulubunduking bahagi ng Patrick Bridge, Barangay Batongbuhay, Sablayan.
Patuloy din ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.