Kahalagahan ng pagpapatupad ng PUV Modernization program, muling iginiit ni Sec. Tugade

By Mark Makalalad March 23, 2018 - 01:01 PM

Kasunod ng aksidente na kinasangkutan ng isang pampublikong bus sa Occiddental Mindoro kung saan 19 ang nasawi at nasa 21 ang nasugatan, muling iginiit ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang kahalagahan ng pagpapatupad ng PUV Modernization Program.

Ayon kay Tugade, wala namang masama sa paghahanap-buhay pero kung patuloy na nailalagay sa kapahamakan ang taumbayan ay nararapat lamang na umaksyon na ang pamahalaan.

Kaya naman napapanahon daw na ipatupad na ang PUV Modernization Program.

Sa ilalim daw kasi nito ay mas mapapaigting ang kaligtasan ng mga sasakyan gayundin ang kakahayan at kaalaman ng mga drayber sa pagmamaneho upang mapanatiling ligtas ang mga pasahero.

Sa pinakahuling balita, pinatawan na ng LTFRB ng tatlumpung araw na suspension ang 118 units ng Dimple Star Bus Corporation na nahulog sa bulubunduking bahagi ng Patrick Bridge, Barangay Batongbuhay, Sablayan.

Patuloy din ang imbestigasyon sa nangyaring aksidente.

 

 

 

 

TAGS: Arthur Tugade, dotr, PUV modernization program, Arthur Tugade, dotr, PUV modernization program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.