Pilipinas magtatayo ng marine base malapit sa Taiwan

By Rohanisa Abbas March 23, 2018 - 12:45 PM

Sisimulan na ng Pilipinas sa susunod na buwan ang pagtatayo ng base ng marino sa isla sa pinakahilagang bahagi ng bansa na malapit sa Taiwan.

Ayon kay Lt. Col. Isagani Nato, tagapagsalita ng Northern Luzon Command, kinakailangan ang presensya sa lugar para labanan ang mga iligal na mangingisda, at para palakasin na rin ang depensa.

Itatayo ang base sa Y’Ami Island, 80 kilometro ang layo sa Taiwan. Ani Nato, wala pang nakatira sa lugar kaya kinakailangan magtayo ng stasyon sa isla.

Tututukan din ang pagbabantay sa mga barkong dumaraan sa Balintang Channel na nagsisilbing lagusan mula South China Sea tungong Pacific Ocean.

Hindi na idinetalye ng opisyal kung gaano kalaki ang hukbong ang itatalaga sa Y’Ami, pero sapat aniya ang mga struktura sa isla para tuluyan ng mga mangingisda.

Matatandaang nagkaharap ang coast guard ng Pilipinas at Taiwan sa boundary ng exclusive economic zone. Pinaputukan ng Pilipinas ang Taiwanese fishing boat na ikinasawi ng isang mangingisda noong 2013.

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, Taiwan, Yami Island, Radyo Inquirer, Taiwan, Yami Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.