Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, ito ay upang mabigyang pagkakataon ang kanilang mga manggagawa na makabiyahe pauwi sa mga lalawigan para sa paggunita ng Semana Santa.
Sakop ng kautusan ang Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at lahat ng lower courts sa buong bansa.
Para naman sa mga korte sa mga lungsod at munisipalidad na magkakaroon ng whole-day suspension ang mga lokal na pamahalaan ay pinayuhan silang sundin ang LGU declaration.
Karamihan kasi sa mga tanggapan ng lower courts ay nasa mga local government buildings.
READ NEXT
WATCH: Mga pulis, pinayuhan ni PNP Chief na magnilay-nilay kahit naka-duty ngayong Semana Santa
MOST READ
LATEST STORIES