Pasok sa mga korte sa bansa sa Miyerkules Santo, half-day lang ayon sa SC

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 12:12 PM

Ipinag-utos ng Korte Suprema ang half-day work schedule sa lahat ng korte sa buong bansa sa March 28, 2018, Miyerkules Santo.

Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, ito ay upang mabigyang pagkakataon ang kanilang mga manggagawa na makabiyahe pauwi sa mga lalawigan para sa paggunita ng Semana Santa.

Sakop ng kautusan ang Supreme Court, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at lahat ng lower courts sa buong bansa.

Para naman sa mga korte sa mga lungsod at munisipalidad na magkakaroon ng whole-day suspension ang mga lokal na pamahalaan ay pinayuhan silang sundin ang LGU declaration.

Karamihan kasi sa mga tanggapan ng lower courts ay nasa mga local government buildings.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: half day, March 28, Radyo Inquirer, Supreme Court, Wednesday, half day, March 28, Radyo Inquirer, Supreme Court, Wednesday

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.