Religious leader na rumaraket bilang hitman, arestado sa Taguig

Naaresto ng mga tauhan ng Taguig City Police ang isang religious leader na rumaraket bilang hitman.

Nabatid na inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong homicide at carnapping ang suspek na hindi pa pinangalanan.

Nadakip ang suspek sa Road 17, Roldan St., Purok Dos Kangkungan, New Lower Bicutan, Taguig, malapit sa isang mosque.

Nakuha rito ang ang isang granada at isang submachine gun.

Bukod dito, apat na drug suspects din ang naaresto sa buy bust-operation ng Taguig PNP at drug enforcement unit ng Southern Police District (SPD) sa lugar.

 

 

 

 

 

 

Read more...