Accounting of personnel isinagawa sa Camp Karingal

By Mark Makalalad March 23, 2018 - 10:45 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Nagsasagawa ng accounting of personnel sa Camp Karingal sa Quezon City.

Pinangungan ito ni Quezon City Police District (QCPD) Director Guillermo Eleazar na sinaksihan naman ni PNP Chief Ronald Dela Roda at NCRPO Chief Oscar Albayalde.

Ayon kay Eleazar, ginawa ang accounting of personnel bilang bahagi na rin ng simula ng Oplan Summer Vacation ng Philippine National Police.

Naka-full alert kasi ang hanay ng PNP at kinailangang magbilang ng mga personnel na ipakakalat sa Metro Manila.

Sa mensahe naman ni Dela Rosa kanyang sinabi na isingawa ang pagbibilang para malaman kung sino ang mga pulis na tumantanggap ng ‘double compensation’.

Mayroon kasing mga pulis na biyahe nang biyahe lang sa ibang bansa at nakakatanggap ng patas na sahod habang ang iba naman ay nagpapakahirap sa pagpapatrolya, pagresponde sa krimen at tinataya ang kanilang mga buhay.

Giit ni Bato, kinakailangang mahuli ang mga nakalubog na pulis o yung mga pulis na nagpapakita lang kapag akinse at katapusan.

Nabatid na una nang nagsagawa ng accounting of personnel ang Manila Police District sa Luneta kung saan 101 ang unaccounted sa 5,020 na mga tauhan ng MPD.

 

 

 

 

 

TAGS: accounting of personnel, camp karingal, QCPD, Radyo Inquirer, accounting of personnel, camp karingal, QCPD, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.