MNLF member at isang estudyante arestado sa buy-bust sa Davao City

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 09:24 AM

Arestado ang isang miyembro ng Moro national Liberation Front (MNLF) at isang estudyante sa isinagawang buy-bust operation sa Davao City.

Ayon kay Sr. Inspector Ma. Teresita Gaspan, tagapagsalita ng Davao City police, ang mga suspek ay nakilalang sina Cader Macud, 26 anyos at 23-anyos na si Arsalic Gamba na kapwa residente ng Tagum City.

Nadakip ang dalawa sa isinagawang buy-bust operation sa isang motel sa lugsod at nakuha mula sa kanila ang shabu na hinihinalang aabot sa P1.44 million ang halaga.

Sinabi ni Gaspan na si Macud ay miyembro ng MNLF habang si Gamba ay isang college student.

Isinagawa ang buy-bust laban sa dalawa ng pinagsanib na pwersa ng PDEA-Southern Mindanao at Davao City police matapos makatanggap ng impormasyon na isang alyas “Kadir” ang nagbebenta ng shabu sa loob ng isang motel.

Nang maaresto, nakuha mula kay Cader ang MNLF ID.

Ayon kay Gaspan kapwa itinuturing na high-value target ang dalawang nadakip.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Davao City, Illegal Drugs, mnlf, Radyo Inquirer, Davao City, Illegal Drugs, mnlf, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.