Security, safety at disaster response group ng Coast Guard, inalerto na sa pagdagasa ng mga pasahero sa mga pantalan

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 08:51 AM

Handa na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan ngayong nalalapit na ang Semana Santa.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Capt. Armand Balilo, tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) na maliban sa mga security at safety personnel, nakaalerto din maging ang kanilang disaster response group.

Ito ay upang matiyak ang mabilis na pagtugon sakaling may maganap na hindi inaasahang trahedya o kalamidad.

Apela naman ni Balilo sa publiko, sundin ang lahat ng guidelines at proseso na inilatag sa mga sasakyan nilang barko para makaiwas sa abala.

Pinayuhan din ni Balilo ang mga pasahero na huwag nang tangkilin o sakyan ang mga maliliit na sasakyang pandagat na kolorum o walang permit para makabiyahe.

Hiniling naman ng coast guard sa publiko na agad magsumbong sa mga otoridad kung mayroon silang makikitang paglabag sa sasakyan nilang mga barko o bangka, gaya ng pagiging overloaded o kawalan ng life jacket para sa mga pasahero.

 

 

 

 

TAGS: Holy Week, philippinine coast guard, security preparations, Holy Week, philippinine coast guard, security preparations

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.