WATCH: Bus terminal sa Cubao, ininspeksyon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa

By Mark Makalalad March 23, 2018 - 08:35 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Bilang simula ng Oplan Sumvac o Oplan Summer Vacation 2018 para sa nalalapit na Holy week, personal na inispeksyon ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang mga bus terminal sa Cubao.

Dito kanyang tinignan ang kondisyon ng mga bus na tumatakbo at kinamusta ang ilang mga pasahero.

Tinignan nya rin ni Dela Rosa ang proseso ng pag-check ng gamit ng mga security guards.

Ngayong araw ang huling araw ng klase sa maraming paaralan at inaasahan ang simula ng pagdagsa ng mga bibiyahe pauwi sa mga probinsya.

Ayon kay Dela Rosa, bagaman walang banta na natatanggap, ayaw nilang magpakakampante.

Naka-full alert din ang kanilang hanay para matiyak na hindi sila malulusutan.

Kasunod nito ay kanyang hinihakat ang publiko na makipag ugnayan sa kanila at huwag mag-atubuling magsumbong sa 2286 at 991 hotline sakaling may mamataan na kihina-hinalang aktibidad o mga krimen.

Ang Oplan Sumvac ay tatagal hanggang June 13.

Ito ay nakatuon sa pagbibigay seguridad sa mga pambublikong lugar partikular na yung tinatawag na “areas of convergence”. Kasama na rito ang mga terminal, seaports at airports.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: araneta center, bus terminals, Holy Week, Oplan Sumvac, Ronald dela Rosa, araneta center, bus terminals, Holy Week, Oplan Sumvac, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.