Walang cover up sa kaso ng pulis na inakalang nasawi dahil sa Dengvaxia – PNP
Walang cover up sa kaso ng pulis na namatay sa General Hospital ng Philippine National Police.
Ito ang iginiit ni PNP Chief Ronald Dela Rosa kasunod ng paglilinaw ng kanilang health service na leptospirosis ang ikinamatay ng isang pulis na nakadesitino sa QCPD Station 6 at walang kinalaman sa dengvaxia.
Ayon kay Dela Rosa, wala silang tinagago at bukas sila sa anumang imbestigasyon sakaling kwestyunin ang kanilang findings.
Wala rin umano silang mapapala kung magsisinungaling sila.
Kasunod nito kanyang sinabi na huwag dapat mag atubili ang mga pulis na lumapit sa PNP health service para magpatingin partikular na.ang.mga naturukan ng dengvaxia
Tutal aniya, mahigit 100 naman na kasi sa mga naturukan ng dengvaxia ang nagtungo sa health service para magpa-check-up pero nag negatibo rin naman ang resulta.
Sinasabing March 2 nang na-admit sa PNP General Hospital ang pasyente at March 3 ito namatay.
Gayunman, sinabi ng PNP na may iba na itong kumplikasyon base sa health records at hindi rin talagang naturukan ng Dengvaxia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.