Lalaking sangkot sa online scam, arestado sa Tondo, Maynila

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 23, 2018 - 06:45 AM

Inaresto sa Tondo Maynila ang isang lalaking sangkot umano sa online scam.

Ayon sa hepe ng Pritil Police Community Precinct na si Chief Insp. Gilbert Cruz, modus ng suspek na magnakaw ng identity ng mga nagnenegosyo sa online.

Nakilala ang suspek na si John Arvee Javillovar base sa nakuha sa kaniyang Barangay ID.

Gamit ang pangalan ng mga lehitimong online seller, nakikipagnegosasyon ang suspek sa mga customer at sa kaniya napupunta ang bayad ng mga kliyente.

Karamihan sa mga biktima ng suspek ay mga estudyante na bumibili ng cellphone.

Base sa reklamo ng isang may-ari ng online shop na kaniyang nabiktima, aabot sa P100,000 halaga ang nakuha ng suspek gamit ang kaniyang pangalan at negosyo.

Nabatid naman ng pulisya na ang suspek ay dati nang sumuko sa Oplan Tokhang.

Mahaharap ang suspek sa kasong estafa at identity theft.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: aidentity theft, Online Scam, Radyo Inquirer, Tondo Manila, aidentity theft, Online Scam, Radyo Inquirer, Tondo Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.