2 drug suspek arestado sa Maynila

 

Nagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ang mga elemento ng Gulod Police Community Precinct (PCP) nang mapansin ang kahina-hinalang kilos ng dalawang lalaki na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito.

Nakilala ang mga suspek na sina Arnel Navaton, 37 taong gulang at Arvin Datos, 29 na taong gulang.

Narekober mula sa dalawa ang dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Dahil dito ay mahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kasabay nito ay inaalam rin ng Manila Police District (MPD) kung mayroon pang ibang kasong nakasampa laban kina Navaton at Datus.

Read more...