Sereno, naniniwalang may malakas na makinarya sa likod ng mga alegasyon laban sa kanya

By Jay Dones March 23, 2018 - 02:52 AM

 

Naniniwala si Chief Justice on leave Maria Lourdes Sereno na may malakas na makinarya o ‘formidable machinery’ sa likod ng mga naglulutangang maling akusasyon laban kanya sa puwesto.

Sa kanyang pagharap sa mga dumalo sa isang forum sa University of the Philippines sa Diliman, sinabi nito na kapansin-pansin ang paglawak ng mga bintang na napapaloob sa impeachment complaint ni Atty. Lorenzo Gadon na naghain ng reklamo sa Kamara.

Ngayon aniya, may mga maling akusasyon na rin na ipinupukol laban sa kanya na umano’y kanyang nagawa noong siya ay nagsisimula pa lamang sa UP.

Sa kabila ng mga imbentong alegasyon, iginigiit ni Sereno na walang katotohanan ang lahat ng mga ito.

Sa naturang okasyon, nanawagan rin si Sereno sa mga kababaihan na pangunahan ang ‘call to reason’ at ihiwalay ang lehitimong mga isyu sa mga pag-iingay lamang ng iilan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.