Ang panibagong reklamo ay ang ikalawa na sa disbarment case na isinampa laban kay sa abugado.
Batay sa reklamo ni Atty. Wilfredo Garrido Jr. sa Integrated Bar of the Philippines, naging arogante at bastos si Gadon sa kasagsagan ng impeachment hearing sa House Committee on Justice na duminig sa reklamo laban kay Sereno.
Bukod dito, wala rin aniyang basehan ang inihaing reklamo ni Gadon laban sa Punong Mahistrado at malinaw na isa lamang itong uri ng harassment case.
Lumitaw rin aniyang malimit na nagsinungaling si Gadon sa pagdinig nang sabihin nitong may personal siyang kinalaman sa mga alegasyon na kanyang ipinukol kay Sereno.
Ang mga naging aksyon aniya ng abogado ay maituturing na ‘black-eye’ sa kanilang propesyon, giit pa ni Garrido.