DENR, DOT pagpapaliwanagin sa Bora casino

 

Ipinagtataka ni Senator Nancy Binay ang pagbibigay ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ng provisional license to operate sa mega-casino sa Boracay sa gitna ng planong pagpapasara sa isla.

Sa impormasyon, nilagdaan na ng PAGCOR ang provisional license para sa $500-million integrated casino-resort ng Leisure and Resorts World Corp. (LRWC) at ng foreign partner nitong Galaxy Entertainment Group nitong nakalipas na Martes.

Tutol si Binay sa pagtatayo ng casino sa Boracay kasabay ng muling paggiit na dapat magpatupad ng moratorium sa anumang konstruksyon sa isla, na pinagpaplanuhang isara ng ilang buwan para ayusin.

Bukod sa Galaxy, nakatakda ring magtayo ng hotel na may 1,000 kuwarto sa isla ang Double Dragon Properties Corporation.

Sinabi ng senadora na magpapatawag naman muli sila ng pagdinig para pagpaliwanagin ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Tourism (DOT) sa planong konstruksyon.

Read more...