13 senador ayaw sa political dynasty

By Jan Escosio March 23, 2018 - 01:03 AM

Umabot na sa 13 ang bilang ng mga senador na sumuporta sa Anti Political Dynasty Bill.

Ang mga pumirma na sa Senate Bill No 1765 o ang Anti-Political Dynasty Act of 2018 ay sina Sens. Frank Drilon, JV Ejercito, Ping Lacson, Risa Hontiveros, Win Gatchalian, Leila de Lima, Grace Poe, Nancy Binay, Bam Aquino, Ralph Recto, Loren Legarda, Sonny Angara at Kiko Pangilinan.

Layon ng panukala na malimitahan sa isang pamilya ang mga posisyon sa pamahalaan hanggang sa barangay.

Sakop nito ang mga asawa, kapatid, magulang, anak at kani- kanilang mga asawa.

Sa Committee Report No. 367 ng Electoral Reforms Committee, nililimitahan na ang mga magkakadugo sa pagtakbo sa mga posisyon.

Maging ang magkakadugo ay hindi maaring magsabay-sabay sa pagkandidato kahit sa magkakaibang posisyon.

Inaatasan ang Comelec na ibasura ang aplikasyon sa pagkandidato ng mga magkakadugo o magkakapamilyang kandidato.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.