250,000 tonelada ng imported rice, darating na sa Mayo

By Chona Yu March 23, 2018 - 12:32 AM

 

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng National Food Authority council na mag angkat ng 250,000 metric tons ng bigas.
Ayon kay Assistant Secretay Jonas Soriano ng Office of the Cabinet Secretary Jun Evasco na chairman ng NFA council, ito ay para madagdagan ang buffer stock suplay ng bigas.

Sa buwan ng Mayo inaasahang darating sa bansa ang mga aangkatin bigas galing Thailand at Vietnam.

Nilinaw naman ni Soriano na walang kakulangan ng suplay ng bigas bagkus ay mas gugustuhin na ng pangulo na sumubra ang suplay ng bigas kaysa kapusin.

Kasabay nito, sinabi ni Soriano na pinapa-audit na ng National Food Authority council sa Commission on Audit ang procurement process at iba pang gawain ng National Food Authority kaugnay sa pagbili ng bigas.

Ito ay matapos ihayag ng NFA na kapos na ang suplay ng bigas sa merkado dahilan para magpanic ang publiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.