Deadline para sa pagpasok ng 3rd telco player, binawi na ng pangulo

 

Wala nang itinakdang deadline si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagpasok ng third player ng telecommunications company sa bansa.

Ito ay matapos mabigo ang Department of Information Communications Technology na makamit ang naunang itinakdang deadline ni Pangulong Duterte na dapat ay ‘up and running’ na ang third telco player sa unang quarter ng taong kasalukuyan.

Ayon kay presidential spokesman Harry Roque, tanggap na ng pangulo ang kabiguan ng DICT.

Pero ayon kay Roque, bagamat bigo ang DICT, nagkaroon naman ng hakbang magkaroon ng proseso sa pahpasok ng third telco player.

Sinabi pa ni Roque na kung hindi ginamit ng pangulo ang kanyang political will, patuloy pa ring pipigilan ng dalawang malalaking kompanya na Globe Telecoms at Smart Communicaitons ang pagpasok ng third telco player.

Matatandaang una nang sinabi ng pangulo na gusto niya ang China na maging third telco player para mabuwag ang duopoly ng Globe at Smart sa bansa na hindi maayos na nagbibigay ng serbisyo ng telekomunkasyon at internet.

Read more...