Mga turista pinayuhan ng Malacañang na magpunta sa Boracay
Hinimok ng Malacañang ang mga turista na magtungo sa Boracay ngayong Semana Santa.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa hindi pa naman isasara ang isla sa mga susunod na buwan dahil magsa-summer na at ito ang peak season.
Bukod dito, sinabi ni Roque status quo pa ngayon ang rekomendasyon ng DILG, DENR at DOT na ipasara ang Boracay.
“Proceed to Boracay, especially since its Holy Week. I don’t think any closure will happen during the peak, peak season of Boracay. We are looking at possibly, if the president finally accepts the recommendations”, ayon pa sa opisyal.
Kasabay nito, dumipensa si Roque sa pag-apruba ng gobyerno sa P500 Million na construction ng Macau-based na casino giant na Galaxy Entertainment at Leisure and Resorts World Corporation sa Boracay.
Ayon kay Roque, naaprubahan na ang pagtatayo ng casino-resort bago pa man ipinag-utos ng pangulo ang rehabilitsyon sa isla dahil sa nagmistulan na itong cesspool.
Sinabi pa ni Roque na ang hindi maayos na sewerage system ang naging basehan ng pangulo sa planong pagpapasara sa Boracay ng ilang buwan.
Tiniyak pa ni Roque na maaring obligahin na ang mga establisyimento na magkaroon ng sewerage treatment plant o di kaya ay water recycling treatment facility.
Pero sa ngayon, mayroon aniyang umiiral na moratorium ng construction sa Boracay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.