Mga sangkot sa hazing na ikinamatay ni Atio Castillo ipina-aaresto na

By Cyrille Cupino March 22, 2018 - 05:45 PM

Radyo Inquirer

Ipina-aaresto na ng korte ang ilang mga personalidad na sangkot sa hazing at pagkamatay ng UST Law Student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Sa inilabas na resolusyon ni Presiding Judge Alfredo Ampuan ng Manila RTC Branch 40, nakitaan ng probable cause na lumabag sa Anti-Hazing Law ang ilang kasapi ng Aegis Juris Fraternity.

Kabilang sa mga ipina-aaresto ng hukuman ay sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr., Arvin Balag, Ralph Triangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Joriel Macabali at Hans Matthew Rodrigo.

Ang Anti-hazing law ay non-bailable offense, o hindi maaring makapag-lagak ng piyansa ang mga nasabing akusado at sila ay maaring patawan ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkakakulong.

Matatandaang September 17, 2017 nang bawian ng buhay ang 22-anyos na si Horacio “Atio” Castillo III mataapos sumailalim sa initiation rites ng Aegis Juris Fraternity.

TAGS: aegis juris fraternity, atio castillo, hazing, UST, aegis juris fraternity, atio castillo, hazing, UST

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.