Naniniwala si Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na malaki ang maitutulong ng mga Moro sakaling sumali ang mga ito sa kanilang organisasyon.
Ito’y kasunod na rin sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa graduation ng PNPA Class of 2018 kahapon na kailangan nya ang mga Moro na sa sumali sa pulis at militar para mas maging isa ang bansa.
Ayon kay Dela Rosa, suportado nya ang pangulo at tama lang na maging kalat ang recruitment sa PNPA at PMA sa lahat ng ethnic groups.
Sa pamamagitan daw kasi nito ay magkaroon ng representative ang bansa sa bawat lugar at mapipigilan ang pagkakawatak-watak sa mga denominasyon.
Dagdag pa ni Dela Rosa, mas magiging epektibo ang PNP kapag nadagdagan sila ng mga Moro dahil pamilyar ang mga ito sa kultura, tradisyon at geography ng kanilang nasasakupan.
Nabatid na sa 106 na mga nagtapos sa PNPA, pinakarami sa mga ito ay Katoliko na nasa 76 ang bilang habang 1 lang ang nagtapos na Muslim.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.