Panukalang Foreign Decree of Termination of Marriage pasado na sa kamara

By Erwin Aguilon March 22, 2018 - 11:56 AM

Aprubado na ikatlo at huling pagbasa sa kamara ang panukalang nagbibigay pahintulot sa mga Filipino na makipag-diborsyo sa dayuhang asawa.

Sa botong na 202 na YES, 3 na NO at 0-ABSTAIN lumusot ang House Bill 7185 na naglalayong kilalanin ang Foreign Decree of Termination of Marriage.

Aamyendahan ng nasabing panukala ang Executive Order 209 o ang Family Code of the Philippines.

Kapag naging batas ang panukala, hindi na kakailanganin pa ng judicial recognition of a foreign decree of termination of marriage para muling makapag-asawa ang Filipino spouse.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang Filipino spouse ay ikinukunsidera na kasal kahit na nakakuha na ng divorce decree sa kanyang bansa ang foreign spouse hanggang walang judicial decree of nullity of marriage sa korte ng Pilipinas.

Kapag naging ganap nang batas, maaari lamang ma-avail ng mga Filipino na kasal sa dayuhan ang nasabing batas kapag idineklarang walang bisa ang kasal ng foreign spouse sa bansa kung saan siya naroroon.

Kapag naging batas ang panukala sasakupin din nito ang mga kasal na idineklarang wala nang bisa sa ibang bansa kahit na nangyari ito bago naging epektibo ang bagong batas.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: divorce, foreign spouse, judicial recognition of a foreign decree of termination of marriage, divorce, foreign spouse, judicial recognition of a foreign decree of termination of marriage

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.