Senator Bong Revilla, pinayagang makalabas ng detention cell ng 5 araw

By Erwin Aguilon October 06, 2015 - 12:57 PM

bong-revilla11Pinagbigyan ng Sandiganbayan First Division ang kahilingan ni Senator Bong Revilla na sumailalim post-dental surgery procedure.

Sa isinagawang pagdinig, pinagbigyan ng anti-graft court na makalabas ng piitan si Revilla sa mga petsang October 10, 12, 15, 17 at 19 ganap na alas 2:00 ng hapon.

Sinabi ng korte na pinagbigyan nila ang kahilingan ng senador dahil na rin sa humanitarian reason.

Nauna nang sumailalim sa dental surgery procedure at root canal si Revilla noong September 9, 13 at 16 sa Gan Advanced Osseointegration Center (GAOC) sa Makati City.

Gayunman sa medical certificate ng dentista ni Revilla sinabi nito na kailangang lagyan pa ng permanent solution ang root canal ng senador at nangangailangan ito ng limang araw dental appointment para maisakatuparan.

Si Revilla ay nakakulong ngayon sa detention facility ng PNP-CIDG sa Camp Crame sa Quezon City dahil sa kinakaharap na kasong plunder.

TAGS: BongRevilla, post-dental surgery procedure, BongRevilla, post-dental surgery procedure

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.