2 sakay ng ambulansya patay sa aksidente sa Iloilo City
Dalawa ang nasawi habang dalawa rin ang sugatan sa aksidente na naganap sa Mandurriao, Iloilo City.
Naganap ang aksidente sangkot ang isang SUV at ambulansya sa Circumferential Road sa Hibao-an Norte Huwebes ng madaling araw.
Ayon kay Emman Sarasa, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRO) sa bayan ng San Miguel, may sakay na pasyente ang ambulansiya na sasailalim sana sa dialysis sa isang pagamutan.
Ang nasabing pasyente na si Ramon Sampani at asawa nitong si Rosalyn ay kapwa nasawi sa nasabing aksidente, habang sugatan ang driver ng ambulansya na si Efrain de Guzman.
Sa inisiyal na imbestigasyon, nag-overtake ang SUV sa isang pick-up kaya sumalpok ito sa paparating na ambulansya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.