90 kumpanya sa Siargao, naisyuhan ng notice of violations ng DENR

By Donabelle Dominguez-Cargullo March 22, 2018 - 08:09 AM

Nagpalabas ng notice of violations ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa aabot sa 90 mga establisyimento sa Siargao, Surigao del Norte dahil sa iba’t ibang uri ng mga paglabag.

Ito ay matapos ipag-utos ni Environment Secretary Roy Cimatu sa Environmental Management Bureau ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga restaurants at resorts sa lugar noong Pebrero.

Kabilang sa mga paglabag na nakita ng DENR ay ang kabiguan ng mga establisyimento na kumuha ng environmental compliance certificate, paglabag sa Clean Air Act, Clean Water Act, at Environmental Impact Statement System.

May mga nakita rin ang regional environment officers na problema sa water quality, improper solid waste management, at hindi sapat na drainage systems.

Ayon kay DENR-Caraga Regional Director Felix Alicer isusumite nila ang consolidated plan sa local government unit para mapagtulungang tugunan ang mga nakita nilang environmental issues sa isla.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: DENR, notice of violation, Siargao Island, DENR, notice of violation, Siargao Island

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.