2 holdupper patay sa engkwentro sa Maynila

By Justinne Punsalang March 22, 2018 - 03:00 AM

 

File photo

Dead on the spot ang dalawang lalaki na sinasabing holdupper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa San Miguel Road sa Binondo, Maynila.

Sa ngayon ay wala pang pagkakakilanlan ang mga suspek, ngunit positibo naman itong kinilala ng kanilang biktima.

Kwento nito, nag-aabang siya ng masasakyang taxi nang hintuan ng riding-in-tandem.

Tinutukan umano ang biktima ng baril bago nagdeklara ng holdup.

Walang pag-aatubili ay kinuha ng mga suspek ang kanyang bag at agarang tumakas.

Matapos ang insidente ay humingi ng tulong ang biktima sa Binondo Police na silang nagkasa ng followup operation.

Ayon sa mga pulis, nagkahabulan sila at ang mga suspek kung saan naunang nagpaputok ang mga holdupper, dahilan upang gumanti rin ng putok ang mga otoridad.

Nabawi ang bag ng biktima, bukod pa sa narekober isang kalibre 38 baril at motor.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.