Higit 100 kababaihang dinukot ng Boko Haram terror group sa Nigeria, pinalaya na
Pinalaya na ng kanilang mga miyembro ng Boko Haram terror group ang higit isandaang kababaihang estudyante na unang dinukot ng mga ito noong nakaraang buwan sa northeast Nigeria.
Ayon sa militar, ligtas na nakabalik sa kanilang bayan sa Dapchi ang nasa 101 na mag-aaral.
Bigla na lamang dumagsa ang ilang truck sa sa sentro ng Dapchi at ibinaba ang mga estudyante.
Dahil dito, nagdiwang ang mga residente at mga magulang ng mga kinidnap na kabataan.
Gayunman, may mga ulat na limang babaeng estudyante ang namatay nang magkaroon ng stampede habang isinasakay sa mga siksikang sasakyan ang mga bata.
Isa namang babaeng Kristiyano ang hawak pa rin ng Boko Haram, ayon sa testimonya ng mga pinalayang estudyante.
Itinanggi naman ng mga otoridad na nagkabayaran ng ransom para sa paglaya ng mga hostage.
Noong February 19, biglang sumugod ang Boko Haram sa Government Science and Technical College sa naturang bayan at tinangay ang mga babaeng mag-aaral.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.