13 magpapapako sa Krus sa San Fernando, Pampanga sa Biyernes Santo

By Rhommel Balasbas March 22, 2018 - 01:53 AM

 

Inquirer file photo

Aabot sa 13 katao ang nakatakdang magpapako sa Krus bilang ‘reenactment’ o pagsasadula sa kalbaryo ni Hesus sa tatlong lugar sa San Fernando, Pampanga sa Biyernes Santo.

Sikat ang naturang lungsod sa ‘true-to-life crucifixions’ tuwing sasapit ang Semana Santa.

Ayon kay Tourism Officer Ching Pangilinan, siyam sa magsasadula bilang Kristo ay ipapako sa Krus sa Barangay Pedro Cutud at ang nalalabing bilang ay ipapako naman sa Barangay San Juan at Barangay Sta. Lucia.

Ang mga ipapapako sa Krus ngayong taon ay mga sanay na at dati na ring naipako ayon kay Pangilinan.

Samantala, magaganap ang unang mga pagpapako alas-6 ng umaga sa San Juan, susundan ng Sta. Lucia alas-9 ng umaga at alas-10naman sa San Pedro Cutud.

Inaasahan ayon sa opisyal ang 50,000 turista upang tunghayan ang pagpapako sa Krus.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.