Tourist arrivals sa buwan ng Pebrero, record breaking ayon sa DOT

By Rhommel Balasbas March 22, 2018 - 03:44 AM

 

Inanunsyo ng Department of Tourism (DOT) na umabot sa 673, 831 ang bilang ng mga turistang dumating sa Pilipinas sa buwan ng Pebrero.

Ayon kay DOT Secretary Wanda Teo, record-breaking ang kaganapang ito matapos maitala ang 1.4 milyong tourist arrivals sa nakalipas na unang dalawang buwan at una anya ito sa kasaysayan.

Ani Teo, isa itong magandang senyales para sa tourism industry ng bansa.

Ang bilang ng turistang dumating sa Pilipinas sa buwan ng Pebrero ay 673,831, mas mataas sa 579,178 na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.

Ayon sa kalihim, malaki ang naiambag ng mga Chinese tourists sa bilang na ito na 21.6 percent ng kabuuang bilang o 145, 536.

Anya, ang mas gumagandang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at ng China at ang Chinese New Year seven-day holiday ang nagpalakas pa sa kumpyansa ng kagawaran upang maabot ang target na 1.5 milyong Chinese tourist arrivals sa taong ito.

Sa loob ng unang dalawang buwan, nananatili sa top spot ang mga Koreano na may 354,700 na bilang ng arrivals, sinundan ng mga Chinese tourists na may 256,880 at ang ‘most improved’ sa lahat.

Pumangatlo ang mga Amerikano, ikaapat ang mga hapon habang ikalima naman ang mga Australians.

Sa kabuuan, pumalo na sa 1,406,337 ang bilang ng mga international visitors sa January to February period na mas mataas ng 16.15 porsyento sa 1,210,817 na naitala sa kaparehong panahon noong 2017.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.