May bitok o may bulate sa diyan.
Ito ang panibagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte kay United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard.
Sa talumpati ng pangulo kagabi sa oath-taking ng Mayor Rodrigo Roa Duterte sa National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) National Convention sa Cuneta Astrodome, Pasay city, tinawag nito si Callamard na puti na walang kain.
Ayon sa pangulo, maaring nagrereduce si Callamard o di kaya ay may bitok.
Ang bitok ay isang salitang bisaya na ang ibig sabihin ay intestinal worm o bulate.
Naglalabas ng galit ang pangulo sa naging pahayag ni Callamard na nauwi na sa extra judicial killings ang kanyang kampanya kontra sa iligal na droga.
Iginiit pa ng pangulo na walang karapatan si Callamard na magsagawa ng imbestigasyon sa Pilipinas dahil naging biased na ito bago pa man nagsimula ng pagbusisi sa kanyang war on drugs.