Gatchalian: Walang brownout pero tataas ang bayad sa kuryente
Sinabi ni Sen. Win Gatchalian na ngayon summer o panahon ng tag init ay may sapat na suplay ng kuryente sa bansa.
Sa pagdinig ng Senate Committees on Energy and Ways and Means, tiniyak ni Gatchalian na walang brownout ngayon summer dahil sa mahusay na performance ng mga planta ng kuryente.
Ngunit sa nasabi din pagdinig, posibleng magkaroon naman ng pagtaas ng halaga ng kuryente sa loob ng dalawang buwan.
Ito aniya ay dahil sa pagtaas ng presyo ng coal na pangunahing ginagamit na panggatong ng mga power generators.
Dagdag pa nito, maaring hanggang 20 centavos per kilowatt hour ang maging dagdag sa bayarin sa kuryente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.