Pilipinas hindi na sasama sa mga papasuking gusot ng U.S

Inquirer file photo

“Count us out”.

Ito ang matapang na pahayag ni Pangulong rodrigo Duterte sa U.S.

Ayon sa pangulo, hindi na sasama ang Pilipinas sa anumang expedition o giyera na susuungin ng America.

“And I’m addressing America right now, whatever expeditions that you will conduct, any wars that you will fight in any other countries, count us out”, ayon kay Duterte.

Ikinatwiran ng pangulo na wala namang napala ang Pilipinas sa mga sakripisyo nang sumama noon ang bansa sa mga giyerang sinuong ng mga Amerikano.

Pagtitiyak ng pangulo, kakayanin ng Pilipinas na makatayo sa sariling paa kahit na walang tulong mula sa U.S.

Pabiro pang sinabi ni Duterte na dadamihan na lamang niya ang pag-iimprenta ng pera at bibigyan ng tig-isang sakong pera ang mga Filipino.

Tama na aniya ang ilang taong pagpapaskop ng Pilipinas sa mga Kano.

Hindi na aniya magmamakaawa ang Pilipinas sa America para magkaroon nng dignidad ang mga Pinoy.

Read more...