Pang. Duterte, naglatag ng kondisyon para maalis ang deploymemnt ban sa Kuwait
Naglatag na ng kondisyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kuwait para maalis ang ban ng mga overseas Filipino workers (OFW).
Sa talumpati ng pangulo sa General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines, sinabi nito na dapat na tiyakin ng Kuwaiti government na magkaroon ng pitong oras na pahinga ang mga Pinoy workers at walang sexual abuse.
Iginiit pa ng pangulo na hindi dapat na kumpiskahin ng mga employer ang mga passport ng mga Pinoy workers.
Dapat din aniyang magkaroon ng desk ang embahada ng Pilipinas sa airport para kunin ang passport ng mga Pinoy workers.
Kapag hindi aniya naibigay ng Kuwait government ang kaniyang mga demand, mananatili ang deployment ban ng mga OFW sa kanilang bansa.
Matatandaang noong buwan ng Pebrero, nagpatupad ng deployment ban ang Pilipinas sa Kuwait matapos patayin at ilagay sa freezer ng isang taon ang Pinoy worker na si Joana Demafelis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.