Pinagmulta ng National Basketball Association (NBA) ang dalawang basketball playes na sina Houston Rockets forward Gerald Green at Boston Celtics Marcus Morris.
Sa anunsiyo ni Kiki VanDeWeghe, executive vice president for basketball operations ng NBA, aabot sa $25,000 na multa o P1,300,000 ang kailangang bayaran ni Green habang $15,000 o P780,000 naman ang ipinataw na multa kay Morris
Ayon sa ulat, napagdesisyunan ng asosasyon ang parusa laban kay Green matapos nitong itulak ang Minnesota Timberwolves center na si Gorgui Dieng sa kanilang laban noong Lunes.
Samantala, nainis naman si Morris sa isang opisyal sa laban kontra sa New Orleans Pelicans noong Lunes.
Dahil dito, nakapagbigay ng hindi magagandang salita si Morris sa opisyal matapos tawagan ng technical foul ang manlalaro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.