Valedictorian ng PNPA Class of 2018, inutusan ni CPNP Dela Rosa na sumabak sa SAF

By Mark Makalalad March 21, 2018 - 10:28 AM

Kuha ni Mark Makalalad

Sasabak sa puspusang training sa Special Action Force ng Philippine National Police (PNP-SAF) ang valedictorian ng PNPA Class of 2018 na si Cadet Fritz John Napalinga Vallador.

Ayon sa foster parent ng ni Vallador na si Nelia Deocares, mismong si PNP Chief Ronald Dela Rosa mismo ang nagsabi kay Vallador na sumabak sa elite force ng PNP.

Anya, masaya siya para sa narating ng bata na kanyang pinalaki. Siya na rin kasi ang tumayong magulang nito mula pa noong siyam na taong gulang ito.

Ipinagmalaki niya rin na bago pumasok ito sa PNPA ay ‘indecisive’ ito pero ngayong lalabas na siya sa akademiya ay buo na ang loob nito.

9 na taong gulang pa lang ay inaalagan na ni Deocares si Vallador na ngayon ay 24 na taong gulang na.

Nabatid na nagtatrabaho bilang domestic helper sa Spain ang ina ni Vallador at hindi ito makakauwi ng bansa para makadalo sa graduation ng kanyang anak.

Habang ang ama nya naman ay hindi niya pa nakikita sa buong buhay nya.

Si Vallador ay tubong Kabankalan, Negros Occidental at tatanggap ng Presidential Kampilan Award and Plaque of Merit mula kay President Rodrigo Duterte.

TAGS: Cadet Fritz John Napalinga Vallador, PNP-SAF, PNPA Class of 2018, Ronald dela Rosa, Cadet Fritz John Napalinga Vallador, PNP-SAF, PNPA Class of 2018, Ronald dela Rosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.