Mga namatay sa sunog sa Manila Pavilion, umabot na sa anim

By Ricky Brozas March 21, 2018 - 09:38 AM

Kuha ni Richard Garcia

Umakyat na sa anim ang mga nasawi sa nangyaring sunog sa Waterfront Manila Pavilion Hotel and Casino.

Sa opisyal na statement ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), kinumpirma nito na binawian na ng buhay ang isa pa nilang empleyado na si Jennilyn Figueroa, 28 taong gulang.

Si Figueroa, Internal Security Staff sa Casino Filipino Pavilion, ay pumanaw kaninang madaling-araw matapos malagay sa kritikal na kondisyon sa loob ng tatlong araw sa Manila Doctor’s Hospital.

Anim na taon nang nagtatrabaho si Figueroa sa PAGCOR.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PAGCOR sa pagpanaw ng anim nilang empleyado.

Nangako rin ang PAGCOR na tutulungan nila ang pamilya ng mga namatay sa sunog.

TAGS: Jennilyn Figueroa, pagcor, Waterfront Manila Pavilion Hotel and Casino, Jennilyn Figueroa, pagcor, Waterfront Manila Pavilion Hotel and Casino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.