Natitirang lalaking northern white rhino, namatay na

AP photo

Nasawi na ang natitirang lalaking northern white rhino sa Ol Pejeta, Kenya sa edad na 45.

Si “Sudan” ay ipinanganak noong 1973 sa Shambe, South Sudan.

Isa si “Sudan” na mahigpit na tinutukan ng mga eksperto para pangalagaan ang nauubos na uri nito.

Ayon kay Samuel Mutisya, pinuno ng conservation sa Ol Pejeta Conservancy, kinailangan nang magsagawa ng mercy killing kay Sudan dahil marami ng komplikasyon sa kaniyang katawan bunsod ng katandaan.

Nagkaroon aniya ng acute arthritis si Sudan dahilan para humina ang kaniyang paa.

Matapos ang pagkamatay nito, dalawang babaeng northern white rhino na lang ang natitira sa naturang uri ng hayop.

Gayunman, umaasa ang mga eksperto na makatutulong ang in-vitro fertilization (IVF) para mabuntis at mapadami ang naturang lahi.

Samantala, ikinalungkot naman ng mga eksperto ang pagkasawi ni Sudan.

Read more...