Lalaki na umano’y holdaper, patay nang makipagbarilan sa mga pulis sa Bulacan

By Angellic Jordan March 21, 2018 - 08:19 AM

Patay ang isang lalaking nang-holdap at tumangay umano ng motorsiklo sa Sta. Maria, Bulacan, Miyerkules ng hatinggabi.

Ayon kay Sta. Maria Police SPO1 Jason Taniza, tinangay ng holdaper ang motorsiklo matapos mangholdap sa bahagi ng Barangay Caysio.

Nang namataan ang holdaper sa Barangay Caypombo, nakipaghabulan ang lalaki sa mga pulis.

Nakorner ang holdaper sa bahagi ng Barangay Pulong Buhangin at nakipagpalitan ng putok ng baril sa mga otoridad na dahilan ng kaniyang pagkasawi.

Nakuha sa holdaper ang isang kalibre .45 na baril, 10 pakete ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakailanlan ng suspek.

Nagsasagawa na rin ng follow-up operation ang pulisya at patuloy ang pinaghahanap ang isang nakatakas na kasamahan nito.

TAGS: Barangay Caypombo, Barangay Pulong Buhangin, nanlaban, SPO1 Jason Taniza, sta. maria bulacan, Barangay Caypombo, Barangay Pulong Buhangin, nanlaban, SPO1 Jason Taniza, sta. maria bulacan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.