Reklamo ng jeepney drivers sa PUV modernization program, hindi dapat dinededma – Sen. Poe

By Jan Escosio March 21, 2018 - 07:58 AM

Inquirer file photo

Ipinaalala ni Senadora Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na may punto ang mga hinaing ng mga jeepney drivers na tutol sa PUV modernization program ng gobyerno.

Ayon kay Poe, hindi dapat binabalewala lang ang mga reklamo at dapat pinag-uusapan ang mga ito.

Aniya, nais ng ilang transport groups na makapaghanap ng assembler ng jeepney units dahil mas matipid ito at bukas naman dito ang kagawaran.

Sinabi pa ng senadora na nais din niya malaman kung anu-ano na ang mga napag-usapan o napagkasunduan sa pakikipag-usap ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

Paalala pa ni Poe na utang ng DOTr sa taumbayan na maayos na maipatupad ang modernization program dahil ang mga mananakay ang lubos na naapektuhan sa mga isyu sa pampublikong-transportasyon.

TAGS: commuters, dotr, PUV modernization program, transport groups, commuters, dotr, PUV modernization program, transport groups

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.